Dulang May Isang Yugto
MGA TAUHAN:
PHOEBE, 17, mahilig “mag-enjoy” ng buhay; gimikera; sosyalera
MR. MIDNIGHT, mukhang 45, Tagapagbantay sa mundong “Putol”, may matipunong
pangangatawan
MR. DAWN
MR. TWILIGHT
MR. DUSK mukhang 45 pataas ang edad, mga tagapagbantay ng ibang mundo
MR. SUNRISE
MR. SUNSET
BESSY, 18, kaibigan ni Phoebe
KARYLLE, 17, kabarkada ni Phoebe
LEAH, 17, Best friend ni Phoebe
DALAWANG BABAENG ANGHEL sa “Putol”, mukhang 18 ang edad
PANAHON AT TAGPUAN:
Kasalukuyan. Sa isang estero.
Maririnig ang sigaw ng isang babaeng nalaglag mula sa isang butas pababa sa mundo ng “Putol”. Makikitang naka-plakda si Phoebe sa gitna ng entablado. Madumi ang kinasasadlakan. May mga basura at agiw sa paligid. Mayroon ding malakas na liwanag na nanggagaling sa isang gasera sa gitna. May isang trono sa kanan.
Nakupo sa trono si Mr. Midnight, kasama ang lima pang mga tagapagbantay ng ibang mundo tulad ng Putol. May dalawang babaeng anghel sa magakabilang gilid ng estero.
PHOEBE: Ouch! God! Of all people naman ako pa nalaglag dito! (Titignan ang paligid at unti-unting tatayo.) Where am I? What’s the meaning of this! Oh my God! This place is so nakakadiri! Eww! Ang baho! Ano ba yan! Pano na ko makakasunod sa party! (Kikiligin.)May papakilala pa naman sila sa ‘king cute guy from La Salle Benilde! Naku, pano ba ‘ko makakaalis dito?
MR. MIDNIGHT: (Mapapatingin kay PHOEBE.) May bisita pala tayo. May bagong salta.
Mapapatingin ang iba pang kasama kay PHOEBE at magtatawanan.
PHOEBE: At sino naman kayo? Oh my gosh! Kidnappers kayo no? Gagawin nyo kong hostage tapos hihingi kayo ng ransom na ten million pesos from my parents! Tapos iga-gang rape nyo ko at itatapon sa dark place or sa Pasig River. Pakawalan nyo ko rito! Wala kayong maaasahan sa parents ko! Kung ako nga di ko sila maasahan, kayo pa! Please naman, let me go! Hindi ako magsusumbong sa pulis!
MR. MIDNIGHT: (Titingin kay PHOEBE.) Manahimik ka! Hindi kami kidnappers at lalong wala kaming balak humingi ng pera sa mga magulang mo! Ako si Mr. Midnight, ang tagapagbantay sa lugar na ito. (Isa-isang ituturo at ipapakilala ang mga kasama.) Siya si Mr. Dawn, si Mr. Twilight, Mr. Dusk, si Mr. Sunrise, at si Mr. Sunset.
Kakaway sila kay PHOEBE at biglang magtatawanan.
PHOEBE: So, may mga alias pa kayo! Who’s your big boss? Si Haring Araw? Puwede ba, let me go now! I don’t want to be in such a place like, like -
MR. MIDNIGHT: Ang tawag sa mundong ito ay Putol. Nalalaglag dito ang mga taong lubusan na ang ginagawang kasamaan.
PHOEBE: Haller? I’m such a good girl.
MR. MIDNIGHT: Good girl pala ha. Teka lang at titignan ko ang Libro ng Paghahatol.
PHOEBE: Hey! I don’t have time for this. I’m on my way pa to a party. I don’t want to waste my time here! You let me go now sabi e!
MR. MIDNIGHT: Angels! Talian nga ang babaeng ‘to at takpan ang bibig!
Mabilis na lalapit ang mga anghel kay PHOEBE at tatalian ito sa kamay at paa at tatakpan ang bibig habang siya ay nagpupumiglas. Kukunin ni MR. MIDNIGHT ang Libro ng Paghahatol mula sa ilalim ng kanyang trono at magkukumpulan dito ang mga tagapagbantay.
MR. DUSK: Aba Mr. Midnight! Mukhang madaragdagan na ang koleksyon mo!
MR. SUNSET: Oo nga! Kaya na bang lampasan ang lebel ni Mr. Dawn?
MR. TWILIGHT: E di ba malapit lang ang standing nyo? Si Mr. Dawn isandaan at limampung puntos na. Ikaw, isandaan at apatnapung puntos na.
MR. SUNRISE: Wala naman pares ng mga mata si Mr. Midnight gaya ng kay Mr. Dawn. Baka nga ako maabutan ko na ang puntos ni Mr. Midnight bukas e.
MR. DAWN: Tumahimik ka nga dyan. Ako talaga ang pinakamagaling dito dahil ako lang ang mayroong pares ng mga mata na nagkakahalaga ng limampung puntos. Sigurado! Ako na ang magwawagi dahil malapit ko na maabot ang tatlongdaan na puntos. Malapit na ko maging tao!
MR. MIDNIGHT: Wag ka ngang mayabang dyan! Pag nakuha ko ang mga mata ng babaeng ‘to, malalampasan na kita!
MR. DAWN: Kaya mo bang gawin yun?
MR. MIDNIGHT: Oo kaya ko! Bumalik na nga kayo sa kanya-kanya nyong mundo! Mamaya magalit si Big Boss! Pare-pareho pa tayong malintikan! Babalitaan ko na lang kayo sa aking nalalapit na pagwawagi.
MR. DAWN: Siguraduhin mo lang para hindi ka mapahiya! (Maghahalakhakan ang mga tagapagbantay.) Umalis na nga tayo rito nang makapag-abang ng mga baong saltang nilalang sa ating mundo.
Mag-aalisan ang lima at pupuntahan ni MR. MIDNIGHT si PHOEBE na patuloy pa rin ang pagpupumiglas sa kabila ng mahigpit na paghawak ng dalawang anghel.
MR. MIDNIGHT: Tanggalin nyo ang takip nya sa bibig.
Tatanggalin ng isang angel ang takip ni Phoebe sa bibig.
PHOEBE: (Nagpupumiglas.) Hey! I heard you guys kanina! Nagpaparamihan kayo ng parts ng katawan ha! Siguro mga serial killers kayo! And you guys are behind the killing of chop-chop ladies no! And I’m your next victim!
MR. MIDNIGHT: Mali ang binibintang mo! Sabihin mo na ang pangalan mo nang makapagsimula na tayo.
PHOEBE: And why would I tell you my name?
MR. MIDNIGHT: Gusto mo bang makaalis dito?
PHOEBE: Haller like kanina ko pa sinasabi sa ‘yo yan!
MR. MIDNIGHT: Yun naman pala e. Magpakilala ka na.
PHOEBE: Pag nagpakilala na ‘ko you’re gonna let me go na?
MR. MIDNIGHT: Malamang.
PHOEBE: O sige na nga. I’m Phoebe Mae Madrigal. The eldest daughter of the Madrigals, owner of Madrigal Town House, Madrigal Channel, Madrigal Food Chain and the Madrigal Singers! I’m five feet, four inches tall. My vital statistics are 34, 24, 34! I believe that love is like a rosary, full of mysteries. Love makes the world go round! Love! All you need is love! And my only wish for humanity is, world peace! Thank you! Siguro naman tama na yun you’re gonna let me go now no!
MR. MIDNIGHT: Phoebe Mae Madrigal. (May ituturo sa libro.) Ayun! Good girl pala ha? E ang dami mo nang nakalistang kasalanan dito. Kung good girl ka talaga e di ka mapupunta rito. Nagpapatunay lamang na labis na kasamaan mo.
PHOEBE: What’s bad ba sa ginagawa ko? I’m just enjoying life!
MR. MIDNIGHT: Iba ka kasi mag-enjoy. Dahil dyan, kailangan kang hatulan.
PHOEBE: Wait lang! Hatulan? At bakit? Supreme court ba ito?
MR. MIDNIGHT: Mas mataas pa kami sa supreme court. Doon puede ka pa makalagpas. Pero dito hindi na. Wag kang mag-alala. Ikaw naman ang mamimili ng klase ng hatol na gusto mo. Manatili dito ng buo ang katawan o magbagong buhay sa mundo ng mga tao nang kulang ng isang parte ang katawan.
PHOEBE: Hey! This is beginning to sound creepy ha. Wag mo kong biruin nang ganyan. I’m dreaming! I’m dreaming!
Biglang lalabas si BESSY. Para na syang naaagnas na bangkay.
BESSY: Tama na Phoebe! Hindi ka nananaginip! This is real!
PHOEBE: (Sisigaw sa takot.) Sino ka? Bakit mo ‘ko kilala?
BESSY: Si Bessy ‘to.
PHOEBE: What? As in Bessy the all-time two-timer? Bakit ang tagal mo nawala? Why are you here? Why naman ganyan ang itsura mo? Tinapunan ka ba ng moriatic acid ng lalaking ‘to?
BESSY: Hindi nya ko tinapunan. Binigyan nya ko ng choice. Nandito na rin sina Angelica.
PHOEBE: Angelica na nanghuhuthot ng pera sa sugar daddy nyang may asawa na’t limang anak?
BESSY: Oo. Pati si Troy.
PHOEBE: Troy? The malibog na guy?
BESSY: You’re right.
PHOEBE: But why?
MR. MIDNIGHT: (Biglang sasabat.) Bessy, bumalik ka na sa trabaho.
Aalis si BESSY nang walang paalam.
PHOEBE: This is weird. What did you do to them?
MR. MIDNIGHT: Pinili nyong malaglag dito. Pinili nila ang hatol na gusto nila.
PHOEBE: Why would we choose to be here e ang baho-baho dito? Walang pang happenings.
MR. MIDNIGHT: Yan ang problema, iba ang form of enjoyment mo.
PHOEBE: Well, simple lang naman ang form of enjoyment ko. Gimik all the way! Every night, I go to the bars with my friends. Minsan sa coffee shops. And if there’s a party around we never get out of sight. Drink to death kami! We don’t care kung may pasok kinabukasan. Basta happy!
MR. MIDNIGHT: Nakikita mo ba ‘tong librong ‘to? Dito naka-record ang mga kasalanan mo.
PHOEBE: Like N.B.I. records?
MR. MIDNIGHT: Automatic na nare-record dito ang bawat kasalanan na ginagawa mo dahil meron kaming big screen sa aming opisina kung saan nakikita ang mga gawain ng mga tao sa iba’t ibang panig ng mundo. Nililista ng mga nagtatrabaho rito ang mga kasalanan ng bawat isa. Kailangan mong maipagtanggol nang mabuti ang sarili mo dahil lumalabas sa record mo na marami ka nang nagawang kasalanan. Kung hindi, kailangan ka nang maparusahan.
PHOEBE: Sige nga sample ng kasalanan na nagawa ko.
MR. MIDNIGHT: O eto. Dala-dalawa kang magboyfriend!
PHOEBE: I’m just practical.
MR. MIDNIGHT: Alam ba nila na sabay sila?
PHOEBE: Yung isa alam, pero he doesn’t care daw as along as nandito lang ako. Yung isa, hindi alam. Weird kasi yun, baka magpakamatay pag nalaman, sagutin ko pa. In the first place, they benefit from me rin naman eh. It’s not easy to have two boyfriends ha! Time-consuming! Pero okey lang. At least, pag nawala yung isa, meron pang isa. Hanggang available for everyone, I won’t be left alone.
MR. MIDNIGHT: (Tuturo sa isang pahina ng libro.) O ito naman. Masama kang impluwensya sa kaibigan mo. Ang isa mong kaibigan na nagngangalang Chynna ay kinumbinsi mong magpa-abort. Tama ba yun?
PHOEBE: Si Chynna? Tinulungan ko na nga yung tao e. She got pregnant at ayaw panagutan ng boyfriend nya. Papatayin daw sya ng parents nya pag nalamang preggy sya. So I brought her to an abortionist. Two months pa lang naman.
MR. MIDNIGHT: Hindi nga sya pinatay ng magulang nya, pinatay nyo naman ang baby nya! Anong klaseng kaibigan ka?
PHOEBE: Uy di naman kami ang pumatay, yung doctor! At tsaka bakit ba, after the operation sabi nya sakin, Phoebe thanks for everything. Sabi ko naman, sure thing! What are friends for? Sabay hug!
MR. MIDNIGHT: Ito pa. Tignan ko kung pano mo maipagtatanggol ang sarili mo ngayon. Wala kang respeto sa magulang mo.
PHOEBE: Can you blame me? Lagi na lang si Jenny, yung youngest sister ko ang inaalagaan. Parang wala ako. Actually galit ako sa parents ko. Nagagalit yung parents ko sa ‘kin when I answer back or pag nalalaman nilang di ako umuuwi for sometime. Sinong uuwian ko? I don’t care na nga when they’re mad. Manhid na ‘ko. If I will just be given a chance to choose my own parents, I will never choose them!
MR. MIDNIGHT: Grabe ka talagang babae ka. Mas malamang mahatulan ka na talaga sa mga ginawa mo.
PHOEBE: I’m not convinced. Kung talagang place ‘to para sa maraming ginagawang masasama, bakit di ko nakikita rito yung iba ko pang friends na kapareho ng ginagawa ko?
MR. MIDNIGHT: Marahil, hindi pa nila naaabot ang maximum na bilang ng kasalanan bago mapunta rito. Pag hindi pa sila nagbago, mapupunta rin sila rito.
PHOEBE: (Makakakita ng pag-asa.) Talaga? Mapupunta rito ang friends ko? That’s so exciting! Pag nandito na kaming lahat, magiging masaya na ang dating boring and creepy place na ‘to! We’re gonna transfrom this into - an underground gimik place! Yes! Dadagdagan lang natin ng lights dito, rent tayo ng mobile for sounds, konting decors lang dito, ledge -
MR. MIDNIGHT: Hoy! Anong akala mo papayagan kong maging disco ‘to!
PHOEBE: No, no, no! Not disco! That’s so 80’s! Rave! Yun ang in ngayon! And you, you’re gonna be the DJ! The cool man of the night! You’re gonna make some scratch! Yeah!
MR. MIDNIGHT: Yeah! Some scratch! Yeah! (Magbabago ng mood.) He! Hindi pa rin ako papayag. Mananatili itong mundo ng “Putol”!
MR. DAWN: (Voice-over). Kumusta na Mr. Midnight?
MR. MIDNIGHT: Heto na naman sya.
PHOEBE: Ha? Sino?
MR. MIDNIGHT: Si Mr. Dawn, yung mayabang na nandito kanina.
PHOEBE: Nasan? I don’t see or hear anything.
MR. MIDNIGHT: Hindi mo talaga sya maririnig dahil kami-kami lang na mga tagapagbantay ang maaaring magkarinigan pag nasa kanya-kanyang mundo na kami. Kung sa akin napupunta ang masasamang taong nakatira sa Asya, sa mundo nya napupunta ang mga masasamang taong nakatira sa Europa.
MR. DAWN: (Voice Over) Bakit di ka sumasagot? Ayaw mo na ba akong kausap kaibigan?
MR. MIDNIGHT: Hindi tayo magkaibigan.
MR. DAWN: (Voice Over) (Tatawa.) Nakalimutan ko. Karibal nga pala kita. Nakumbinsi mo na ba ang bagong salta para naman mahigitan mo na ang record ko?
MR. MIDNIGHT: Malapit na! Makikita mo! Wag mo na nga akong kausapin!
MR. DAWN: (Voice Over) (Tatawa.) Sige tingnan na lang natin. (Tatawa.)
PHOEBE: Ayoko na ha! You’re acting so weird! Baka mamaya psycho ka kaya kung anu-ano naririnig mo at sinasabi mo. Please naman oh. Pakawalan mo na ko. Punitin mo na lang yang page ko dyan sa librong yan. You want money? Parents ko maraming pera yun! I’ll help you get a ransom pakawalan mo lang ako. Kayang-kaya kong utuin ang parents ko. Tuition Fee ko nga nadudugas ko e. Dinadagdagan ko ng parking fee, C.R. Fee, Canteen Fee, Park Fee, Tree Planting Fee at kung anu-ano pa. I’ll give you lots of money!
MR. MIDNIGHT: Nahihibang ka na ba? Hindi ko kailangan ng pera.
PHOEBE: (Tatayo) Katawan ko na lang!
MR. MIDNIGHT: Natumbok mo!
PHOEBE: Sige okey lang! May experience na rin naman ako with a fifty-year-old guy. Ganito ba? (Sasayawan ng sexy dance si MR. MIDNIGHT at pilit aakitin ito)
MR. MIDNIGHT: (Itutulak si PHOEBE.) Tumigil ka! Hindi yan ang ibig kong sabihin!
PHOEBE: Ano nga?!
MR. MIDNIGHT: Kung gusto mong umalis dito at bumalik sa dati mong mundo, kailangang mag-iwan ka ng isang bahagi ng iyong katawan na nagiging dahilan para gumawa ka ng masama.
PHOEBE: What? Excuse me no! Ni magpaplastic surgery nga ayoko dahil ako lang ang may ganitong ka-flawless na body! So magpaputol ng isang parte ng katawan ko, never! Over my dead sexy body no! And what do you think of me, stupid? Hindi mo ko maiisahan psycho! (Lalayo nang kaunti at kakausapin ang sarili.) Akala nya hindi ko alam, peperahan lang ako nito e. Puputulin nya ang isang parte ng katawan ko tapos, tapos, ah! I know na! (Kay MR. MIDNIGHT) Aha! Kukuhaan mo ‘ko ng parte ng aking beautiful sexy flawless perfect pang-FHM at Playboy na body at ibebenta mo sa mga hospitals! Ano tama ko noh! Sindikato ka no! Ano kukunin mo ang kidney ko? Ang intestines ko? Ang pure heart ko? O ang tantalizing eyes ko? Bago mo gawin yun! Uunahan na kita! (Sisigaw na parang karate kid at susunggaban si MR. MIDNIGHT at makikipagbuno sa kanya.)
MR. MIDNIGHT: (Ihahagis si PHOEBE.) Utang na loob tumigil ka! Hindi ako sindikato at wala kong balak ipagbili ang mga laman-loob mo na bahagi ng napakaitim mong budhi at ang mga mata mong puros kasamaan ng mundo ang nasilayan! Mag-iiwan ka ng bahagi ng katawan mo rito para makabalik ka sa mundo mo at magbagong buhay!
PHOBE: Gusto ko nang umalis dito! Now na! Wala kang pakialam kung magbago ‘ko o hindi. Basta, that’s what I want! I want to go now! Hindi mo ba ‘ko naiintindihan?
MR. MIDNIGHT: Ako ang hindi mo maintindihan! Ang parteng pipiliin mong ipaputol o ipatanggal sa mundo ng “Putol” ay hindi maaring palitan kailanman kahit ng pinakamagaling na doktor sa buong mundo o ano mang uri ng teknolohiya.
PHOEBE: Isang bahagi ng katawan ko? (Mag-iisip.) Alam ko na! I’ll give you na lang as a piece of remembrance - a strand of my hair. Suwerte mo! Gustung-gusto ‘to amuyin at haplusin ng mga boys! At, kakaparebond ko pa lang sa Salon de Orient! (Parang kinikiliti.)
MR. MIDNIGHT: Hindi puwede!
PHOEBE: Ay ayaw mo nun! (Nag-iisip.) Ah! How about, (Parang kinikiliti.) Nahihiya ko. You know, this part of my body ang favorite ng mga boylets na I go out with. Lagi nila ‘tong kinikiliti, kinikiss, nilalaro-laro at pinanggigigilan!
MR. MIDNIGHT: Ano?
PHOEBE: Nakakahiya. Pero, since close na tayong dalawa, I’ll give you na lang my, my, my mole sa butt ko! (Kinikilig.)
MR. MIDNIGHT: Hindi pa rin puwede!
PHOEBE: What? Hindi pa rin puwede? Haller? You’re gonna be the luckiest guy in the world if you’ll accept my offer!
MR. MIDNIGHT: Hindi nga puwede, kasi meron ka lang limang pagpipilian. Karylle!
Gagapang papasok si Karylle, isa sa mga nalaglag sa mundo ng Putol. Walang mga paa. Tatanggalan na rin ng tali si Phoebe ng isang anghel.
MR. MIDNIGHT: Siguro naman magkakilala na kayo. Kaya iiwanan ko muna kayo para makapag-isip ka nang maayos. (Aalis.)
PHOEBE: (Tatakbo papunta kay KARYLLE.) Karylle! What the hell happened to you?
KARYLLE: I chose to lose my feet para makabalik sa mundo natin. One hour na lang, babalik na ‘ko. Gusto kitang tulungan magdesisyon kung anong parte ng katawan ang dapat mong iiwan. Dahil hindi ka mapakali, hindi matahimik sa isang tabi, laging nag-aasam na pumunta sa lahat ng gimikan, magsayaw nang magsayaw nang lasing ‘til the break of dawn at hindi makauwi ng ilang linggo sa bahay nyo, putulin na lang natin ang iyong mga paa!
PHOEBE: What! No way! Alam mo naman na maraming nakyu-kyutan sa feet ko na everyday kong pinapa-scrub at pinapamassage sa The Spa at sa cute little toe nails ko na forever kong pinapapedicure sa Salon de Manila. Pinatanggal ko pa nga kay Dra. Vicky Bello yung kadiring kulugo na bigla na lamang tumubo tapos puputulin mo lang!
KARYLLE: Ayaw mo nun? Hindi ka na gagastos sa pagpapaganda ng mga paa mo? Siguro nanghihinayang ka sa perang ginastos mo sa pagpapaganda dyan?
PHOEBE: Hindi naman sa ganun.
KARYLLE: E bakit nga ayaw mong ipaputol yang buwisit na mga paang yan?
PHOEBE: Hoy! Wag mong mabuwisit-buwisit ang mga paa ko ha! May sentimental value yan. (Maiiyak nang kaunti.)
KARYLLE: Sentimental value?
PHOEBE: Yes. Sentimental value. Kasi nung Grade Four ako, first time kong nag-papedicure nung mag-aabay ako. Tapos, after kong mag-abay, nung naglalaro ako sa labas ng house namin wearing my pink Cinderella slippers na-notice ng crush ko yung feet ko. Sabi nya, Phobe ang cute naman ng nails mo. Siyempre kinilig ako! Sabi ko, thank you. (Maiinis uli.) Kaya, no! Hindi mo puwede putulin ang mga paa ko!
KARYLLE: Nung Grade Four ka pa naman nun e! Alam mo after all those years hindi na mukhang paa ng baby yang paa mo. Mukhang paa na ng babyng patay!
PHOEBE: Haller? Gusto mo ipaamoy ko pa at ipasubo sa ‘yo ang paa ko? One thing more na magpapatunay dyan e nang makilala ko si Raul. I was fifteen that time. Sabi nya sa kin, “Ang ganda naman ng mga paa mo. Kutis porselana at ang bango-bango pa!”
KARYLLE: Si Mang Raul yung driver ng mommy mo? Malamang nagbibigay-galang lang sa ‘yo yun bilang amo nya.
PHOEBE: I don’t care! Kahit janitor pa, basurero, tubero, tricycle driver o taga-linis man ng poso-negro, hindi mo puwedeng putulin ang mga paa ko dahil marami akong nabibighani dito!
KARYLLE: E Phoebe naaalala mo pa ba nung pinangsipa-sipa mo si Jovy?
PHOEBE: Ha! Si Jovy. Ang mahirap sa kanya, masyado syang ambisyosa. Akalain mo ba namang gusto ‘kong agawan sa pagiging cheerleader ko nung second year high school tayo. Syempre I won’t allow such thing to happen. Kaya, as the head of our group, Glamour Girls, I ordered you, my beloved and ever supportive sisses na lumpuhin ang Jovyng yan para maturuan sya ng leksyon. Nobody has the right to steal my position. Kaya, inabangan niyo siya after her last class at pinagsasabunutan. Me, malinis ang mga kamay ko, dahil etong magaganda kong paa ang tumapak-tapak sa makapal nyang mukha. And, I gave her the privilege to kiss my foot with a promise, na aalis sya ng school at di na magpapakitang muli. Natakot naman ang loka. Kaya, hanggang maka-graduate, I remained as the school’s cheerleader.
KARYLLE: O nakita mo na, nakasakit ka pa ng tao dahil sa mga paang yan!
PHOEBE: Tao? Huh! Hindi sya tao. Isa syang mababang uri ng hayop. (Tatawa.)
KARYLLE: Hay naku! Baliw ka rin! Anyway, give up na ‘ko sa mga paang yan! Eto na ang pangalawa mong choice. Ang parte ng iyong katawan na laging nangangati.
PHOEBE: Likod?
KARYLLE: Hindi. Laging kinikiliti.
PHOEBE: Alam ko yan! Pusod! (Parang kinikiliti.)
KARYLLE: Hindi. Tinatanggalan ng buhok.
PHOEBE: Ha! I did that na! Pina-laser ko pa nga e! Kilikili?
KARYLLE: Yung laging nag-aasam na madiligan!
PHOEBE: Ay alam ko na! Buhok!
KARYLLE: Ay naku! Yung pinapapabango mo bago mag- alam mo na!
PHOEBE: Aaa! Hindi ko talaga alam e, ano ba yun!
KARYLLE: Ang iyong (Ituturo ang kiki ni PHOEBE) kiki. Wag kang mag-alala. Pag yan ang pinatanggal mo, sisiguraduhin naman na may paglalabasan ka pa ng wiwi mo para di ka naman masyadong mahirapan.
PHOEBE: What? Eto? (Ituturo ang sariling kiki.)
KARYLLE: Oo yan! Para matigil na ang pagpapagamit mo kung kani-kaninong lalaki!
PHOEBE: Excuse me ha. Hindi ako kung kani-kanino lang nakikipag-sex no! Syempre sa mga rich people like me lang and those who can make me happy by giving me simple stuffs lang, like trip to Paris, unlimited credit limit for shopping, or buy me na lang a new condo in Makati, ganun.
KARYLLE: Kita mo na! That’s a big proof na ng paggamit mo nyan para makaakit ng mga lalaking magbibigay ng luho mo! Phoebe stop it na!
PHOEBE: Dear, gamitan lang yan. Dahil pinagod nila ang kitty, paligayahin nila ang mommy ni kitty.
KARYLLE: Phoebe, totoo ba yung chika na pinagpalit mo ang dati mong boyfriend dahil ayaw niyang makipag-sex sa ‘yo? Kaya nang niligawan ka ng captain ball ng basketball team ng school natin at pinangakuan kang papasiyahin ka sa kama, e basta mo na lang iniwan ang kawawa mong boyfriend. Mahal na mahal ka raw nun a?
PHOEBE: Oo, mahal na mahal ako nun. He was the first one to give me a bouquet of balloons na may teddy bear pa inside the biggest balloon, locket na may picture naming dalawa, naging secretary ko pa siya for my assignments and projects, nung nahospital ako, he never left my side. He’s so sweet talaga. (Shift ng mood mula sa pagiging sentimental papunta sa parang nililibugan.) Pero naman! Hindi lang puro sweetness at pagiging gentleman nya ang kailangan ko no! Gusto naman na paminsan-minsan wild! Wild at bed! I’m a woman! A sexual being! He’s suppose to make me happy in bed no!
KARYLLE: So kaya mo lang talaga iniwan ang kawawa mong boyfriend dahil hindi mapaligaya ang kiki mo?
PHOEBE: Di naman sa ganun. Pero sige na nga, yun na nga yung reason. Ang dali-dali lang naman ng gusto ko e. I’m not asking naman na everyday jug ever kami. Kahit once lang. Once every eight hours! (Tatawa.)
KARYLLE: Phoebe, sana magsisi ka na like me. Magbagong-buhay na tayo.
MR. MIDNIGHT: (Voice Over) Tama na yan. Bumalik ka na sa waiting area. (Aalis si KARYLLE.) Leah, ikaw naman.
Papasok si Leah, putol ang mga kamay.
LEAH: Phoebe!
PHOEBE: Best friend Leah? What happened?
LEAH: A change of heart.
PHOEBE: Why?
LEAH: I realized na sobra na ang ginagawa kong kasalanan at di na rin ako happy. So, nag-decide ako na ipaputol ang mga kamay ko at magsimula ng new life sa mundo natin. Within two hours, babalik na ‘ko dun.
PHOEBE: My God! Ngayon na ikaw na ang nagsasalita, I know this is serious na talaga.
LEAH: Sana sabay tayong magbago. Phoebe, sa tingin ko, dapat piliin mo na ring ipaputol ang mga kamay mo.
PHOEBE: Ha? Ang mga kamay ko? But why?
LEAH: Listen carefully. Ang mga kamay mo kasing yan, kung anu-ano na ang kasamaang dinulot nyan sa ‘yo. Alam naman natin na maraming nagagawa ang mga kamay na mabubuting bagay at masasamang bagay. Pero, in our case mas lamang ang masasama kaysa mabubuti.
PHOEBE: Naku hindi naman karamihan. Nagshop-lift lang naman ako nung super cute na notebook sa bookstore. Wala kasi akong cash nun. Alangan namang i-card ko pa. Tsaka lagi naman akong bumibili sa bookstore na yun so, nabayaran ko naman siguro.
LEAH: Meron pa. Ginawan mo lang naman ng kodigo yung classmate natin tapos binato mo sa desk nya nung exams para makick-out sya.
PHOEBE: And remember? Binato lang naman natin ng crumpled paper yung kupal nating instructor sa ulo nung nakatalikod sya tapos pagharap nya tinuro ko yung katabi ko kaya sya nadala sa office.
LEAH: Marami pa. Pero ang pinakamatindi sa lahat.
PHOEBE: Wala na yun lang.
LEAH: Phoebe, wag ka nang maghugas-kamay dahil alam naman natin kung anong ginawa ng malambot at makinis mong mga kamay na araw-araw mong pinapamanicure at hand spa sa Ricky Reyes.
PHOEBE: Wala akong natatandaan.
LEAH: Phoebe! Kahit anong pagpapaganda ang gawin mo sa mga kamay mo, hindi nito matatago habang-buhay ang pananapak mo, pananampal mo, at pananabunot mo sa bunso mong kapatid na si Jenny pag high ka sa drugs at wala ang parents niyo!
PHOEBE: Tama na! That should teach her a lesson na hindi lang puro sarap ang mararanasan nya habang nabubuhay ako sa mundo at habang inaagaw nya ang atensyon ng mommy’t daddy ko.
LEAH: Phoebe -
PHOEBE: You could say anything you want, but I’m not giving up my hands. Remember when one of my suitors gave me a ring with a diamond on it? Sinuot nya sa ‘king daliri ang napakagandang singsing na yun. Nanakaw nga lang yun sa Greenhills when I was shopping, but once in my life it made me feel like a princess! E kung wala na ‘kong mga kamay, pano pa nila ko bibigyan ng expensive ring? Kaya no way kong ipapaputol ang hands ko!
LEAH: Okey! This is your fourth choice. Ipatanggal mo na lang ang bibig mo.
PHOEBE: No, no, no! You know naman that I have a great singing voice. I can copy nga the voice of famous singers like, Jaya. (Kakanta.) Wala na bang pag-ibig sa puso mo at di mo na kailangan. (Hihinto sa pagkanta.) Regine. (Kakanta.) Dadalhin kita saking palasyo. (Hihinto sa pagkanta.) Sarah Geronimo. (Kakanta.) I’ll be waiting for you, here inside my heart. I’m the one who wants to love you more. (Hihinto sa pagkanta.)
LEAH: Pero -
PHOEBE: Not only that. Pinagkakaguluhan ng mga boys ang aking mga kissable lips. Pinapangarap ng lahat na madampian lamang ng aking mga labi. Sabi nila, everytime I kiss them, feels like puwede na silang mamatay after. I’m a great kisser daw kasi! (Kikiligin.)
LEAH: E ang sister mong si Sylvie. Do you think natuwa sya sa bibig mo nung nabubuhay pa sya?
PHOEBE: What about her? Why should we talk about her pa e she’s dead na naman?
LEAH: Magaganda ba ang mga nasabi mong salita sa kanya noon? I heard from your sister Jenny na you were not in good terms daw with Sylvie before she died.
PHOEBE: Well, not everything. Eh kung pinabayaan nya na lang ba ko sa mga ginagawa ko e di sana di sya nakarinig sa ‘kin ng kung anu-ano. Sya nga ‘tong dapat tanggalan ng bibig dahil lahat na lang ng ginagawa ko sinusumbong kay mommy. How can I help myself not to throw bad words sa kanya kung everyday na lang pinapakialaman nya buhay ko at puro paninermon na para bang sya ang parents ko at mas matanda siya sa ‘kin. In fairness to me, I greet her naman Happy Birthday, Happy Valentines, Merry Christmas at Happy New Year no!
LEAH: Di ba para nang tambutso ng sasakyan yang bibig mo kakayosi kahit na alam mong cigarette smoking is dangerous to your health? May napapala ka ba sa yosi? Naglalasing ka pa tapos magkakalat ka ng suka sa bar at aawayin lahat ng tao. Kinabukasan hindi ka na makakapasok sa sakit ng ulo dahil sa hang-over. Kaya pati pag-aaral mo apektado na. May napapala ka rin ba sa pag-inom?
PHOEBE: Socialization.
LEAH: Puwede namang makipag-socialize just by conversing ha? Gusto mo na bang mamatay?
PHOEBE: Of course not! I still want to enjoy life.
LEAH: Ganun naman pala e. Alam mo namang magkakasakit ka sa baga pag nagyoyosi at magkaka-cancer ka sa atay pag lagi kang umiinom, tapos takot ka mamatay.
PHOEBE: Basta! Di ko na alam!
LEAH: E di ba may pinagkalat ka pang balita sa campus noon?
PHOEBE: Ah yun ba? Malay ko ba namang seseryosohin ng buong campus yun? E when I was running for student council president, I said lang naman during our miting de avance na they should not vote for the other candidate dahil prostitute sya sa gabi at may kinakasama syang dirty old man. Tapos I showed lang to my fellow students yung picture na nakunan namin nung magkasama sila ng lolo nya. E campaign strategy lang naman yun e. Malay ko bang maniniwala ang buong campus? Kinabukasan umalis sya ng school. Di ko na kasalanan yun. The good part is I won the elections at nag-party to death tayo.
LEAH: Di ba may ininom pa tayong gamot nun para mas makapag-enjoy?
PHOEBE: Yup!
LEAH: Ilang beses mo na-try yun?
PHOEBE: Haller? Hindi naman everyday ang pag-eecstasy ko no! Pag may party lang! Para mas enjoy! Nawawala ang problema!
LEAH: O hindi mo pa ba ipapatanggal yang bibig mo eh ang dami-daming kasamaan sa buhay mo ang dulot nyan?
PHOEBE: Pano na ko makakakain ng delicious food pag wala na kong bibig? E di mamamatay ako?
LEAH: Hindi. Habang-buhay ka naka-dextrose. Kasama yun sa consequence ng mga ginawa mo.
PHOEBE: No. I’m not giving it up. Ano yun? Forever naka-dextrose? Para ‘kong inutil.
LEAH: Parang lang. Mapipigilan ka namang gumawa ng masasamang bagay.
PHOEBE: No! Hindi puwede! Na-ah! I love my luscious lips! Mwah! This is one of my assets. Hello boys! (Ipa-pout ang lips. Kikiligin.)
LEAH: Phoebe hindi mo ba maintindihan? You can’t stay here. Bumalik na tayo sa mundo natin kahit kulang-kulang basta mabubuhay pa tayo. We have the choice to change na nga e. Let’s grab it na.
MR. MIDNIGHT: (Voice Over) Tama na yan at bumalik ka na sa waiting area.
Aalis si LEAH at babalik si MR. MIDNIGHT. Iikutan nya si PHOEBE, titingnan mula ulo hanggang paa. Ihaharap sa kanya ng isang anghel si PHOEBE at hahawakan ang mukha nito; nakatinging mabuti sa mga mata ni PHOEBE.
MR. MIDNIGHT: Hmm. Maganda ang mga mata mo. Tunay ba yan o (Bibitiwan ang mukha ni PHOEBE.) may contact lense ka?
PHOEBE: Excuse me ha tunay yan. Pinanganak talaga kong may tantalizing eyes! (Haharap sa audience at magbi-beautiful eyes.)
MR. MIDNIGHT: (Muling hahawakan ang mukha ni PHOEBE.) Alam ko na ang iiwan mo rito.
PHOEBE: (Nakatingin sa mga mata ni MR. MIDNIGHT.) Ano?
Pipikit si PHOEBE, pero nakamulat pa rin si MR. MIDNIGHT. Maglalapit ang mukha ng dalawa na parang maghahalikan at biglang magsasalita si MR. MIDNIGHT.
MR. MIDNIGHT: Ang mga mata mo.
PHOEBE: (Didilat.) What? (Kakawala.) No way!
Biglang papasok ang boses ni MR. DAWN.
MR. DAWN: (Voice Over) (Hahalakhak.) Hindi mo makukumbinsi yan! (Hahalakhak.)
MR. MIDNIGHT: Wag ka ngang makialam!
MR. DAWN: (Voice Over) Wag mo na kasing subukan. Naiinggit ka lang, kasi ako may mga mata na sa aking koleksyon. (Hahalakhak.)
MR. MIDNIGHT: Magkakaroon din ako ng mga mata. Sisiguraduhin kong magkakaroon ako ngayon!
MR. DAWN: (Voice Over) Sige, tingnan na lang natin. (Hahalakhak.)
MR. MIDNIGHT: A Phoebe, okey lang naman mawalan ng mga mata.
PHOEBE: Bakit na-experience mo na?
MR. MIDNIGHT: Hindi pa. Pero okey lang talaga.
PHOEBE: Mister! Napakalaking kawalan pag mga mata ko ang nawala. How can I appreciate the beauty of my country? My fellowmen? And of course, my own beauty in the mirror?
MR. MIDNIGHT: E di ba nga sabi ng tao “Beauty lies in the eyes of the beholder?”
PHOEBE: O kita mo na! Where will beauty lie if the beholder doesn’t have the eyes?
MR. MIDNIGHT: (Kakausapin ang sarili.) E isa’t kalahating bobo pala ‘tong babaeng ‘to e. Di bale. Kaya mo yan. (Kay PHOEBE.) Hija, di ba sabi mo, ang ganda-ganda ng paa mo?
PHOEBE: Oo naman!
MR. MIDNIGHT: Tapos nakukuha mo ang gusto mo dahil sa kiki mo?
PHOEBE: Yup!
MR. MIDNIGHT: At ang mga kamay mo nasusuotan ng mamahaling singsing?
PHOEBE: Correct!
MR. MIDNIGHT: At syempre ang lips mo ay asset mo sa mga boys!
PHOEBE: Right!
MR. MIDNIGHT: E di okey lang mawala ang mga mata mo!
PHOEBE: A - No, no, no. Hindi yun okey. E di hindi na perfect ang aking body pag wala na kong eyes!
MR. MIDNIGHT: Phoebe, tingnan mo. Pano ka nangongopya pag may exam?
PHOEBE: Tinitignan ko yung paper ng classmate ko.
MR. MIDNIGHT: Bakit mo sinabunutan yung isa mong kabrkada?
PHOEBE: E nakita kong nilalandi nya boyfriend ko e!
MR. MIDNIGHT: Pano ka mapapapayag makipag-one night stand?
PHOEBE: Siyempre pag nakita kong mapera sya. Titignan ko kung maaalahas ba sya, signature shirts ba ang gamit nya, makapal ba ang wallet nya at may wheels ba sya.
MR. MIDNIGHT: Pano ka napapa-party all night long sa isang gimikan?
PHOEBE: Siyempre titignan ko muna kung okey yung place, okey ba yung crowd at siyempre kung maraming cuties! (Kikiligin.)
MR. MIDNIGHT: Kailan ka sumasagot sa magulang mo?
PHOEBE: Pag nakikita ko sila after a long long time at nakikita ko kung pano nila mas pinapaboran ang sister kong si Jenny!
MR. MIDNIGHT: Anong ginamit mo para makita mo lahat ng yun?
PHOEBE: E di mga mata ko!
MR. MIDNIGHT: Na naging dahilan ng mga kasamaang nagawa mo.
PHOEBE: Oo nga no!
MR. MIDNIGHT: Kaya dapat lang na ipatanggal mo na ang mga mata mo, hindi ba?
PHOEBE: Hindi pa rin.
MR. MIDNIGHT: Ha? Bakit hindi? Eto na ang pagkakataon mong ituwid ang buhay mo at magsimula muli!
PHOEBE: No! I can’t do that!
MR. MIDNIGHT: Eto na ang huling choice mong parte ng katawan!
PHOEBE: Ha?
MR. MIDNIGHT: Sige. Para matulungan pa kitang magdesisyon. Ipapakita ko muna sa’yo ang aking koleksyon. (Papalakpak.)
Lalabas ang mga anghels at sa kanilang pagbalik, dala na nila ang isang malaking kahon na laman ang iba’t ibang piraso ng parte ng katawan ng iba’ibang tao.
MR. MIDNIGHT: Eto ang pinakaiingat-ingatan kong koleksyon.
Muling maririnig ang tinig ni MR. DAWN.
MR. DAWN: (Voice Over) Koleksyon na walang kuwenta! (Hahalakhak.)
MR. MIDNIGHT: Iniinis mo talaga ko no!
MR. DAWN: (Voice Over) Hindi naman. Ang lakas kasi ng loob mong ipakita ang koleksyon mo e kulang naman yan. Wala ka pa ring isang pares ng mga mata! (Hahalakhak.)
MR. MIDNIGHT: Tumigil ka na ha. Sinabing magkakaroon din ako nun e.
MR. DAWN: (Voice Over) Sana nga! (Hahalakhak.)
PHOEBE: Andyan na naman ba yung kinakausap mong hindi ko naririnig. He’s Mr. ano na nga ba?
MR. MIDNIGHT: Mr. Dawn. Dahil pareho kaming tagapagbantay, nagpapaligsahan kami sa rami ng makokolektang parte ng katawan ng mga taong nahuhulog sa aming kanya-kanyang mundo.
PHOEBE: A ganun! So, laro nyo lang ‘tong dalawa nandadamay pa kayo ng innocent people like me?
MR. MIDNIGHT: Hindi namin ‘to laro. Ang tagapagbantay na makakakuha ng tatlongdaang puntos ay magiging tao. Ito ang pangarap naming lahat kaya nagpapaligasahan kami. At tsaka, innocent people like you? Lahat ng nahuhulog sa mundo namin ay may labis nang kasamaan tulad mo. (Kukunin mula sa kahon ang isang pares ng mga paa.) Ang may-ari nito ay dating sirkero.
PHEOBE: Yuck! Di man lang yata ‘to nakatikim ng pedicure all his life! Wait, anong masama sa pagiging sirkero?
MR. MIDNIGHT: Kasi ginagamit nya ang iba’t ibang kakayahan ng kanyang mga paa para manloob ng mga bahay at madaling makatakas mula sa mga pulis. (Ibabalik sa kahon ang mga paa at kukunin ang kiki mula sa kahon.) Eto namang kiking ‘to, (Manlalaki ang mata ni PHOEBE.) ang dating may-ari nito ay isang pokpok. Gabi-gabi nagpapagamit sya sa iba’t ibang lalaki. (Ibabalik sa kahon ang kiki at kukunin ang pares ng mga kamay.) Eto namang mga kamay na ‘to ay dating pagmamay-ari ng isang ina na laging binubugbog ang kanyang mga anak tuwing makakainom sya at maraming problema.
PHOEBE: Isa pang kadire! (Patlang) Di man lang napa-manicure.
Ibabalik ni MR. MIDNIGHT sa kahon ang mga kamay at kukunin ang bibig.
MR. MIDNIGHT: Etong bibig naman, ang may-ari nito ay dating tsismosa. Marami na syang nasirang pamilya at pagkakaibigan dahil sa pagtsitsismis nya ng mga bagay na wala namang katotohanan. (Sa mga angels.) Angels! Ibalik nyo na ‘to.
Lalapit ang mga angels, kukunin ang kahon at ilalabas.
PHOEBE: Teka lang. Bakit walang mga mata?
MR. MIDNIGHT: Yun na nga ang pinagyayabang sakin ni Mr. Dawn. Nagkaroon na sya ng mga mata, ako wala pa. Kaya kung gusto mo nang magbagong-buhay at paligayahin ako, iwan mo na yang mga mata mo.
PHOEBE: No! I won’t do that! I can’t.
MR. MIDNIGHT: E sa limang pagpipilian mo wala kang napili. Ano ba naman yan? Hindi ka ba makaintindi? Meron ka lang limang pagpipilian! Mga paa, kiki, mga kamay, bibig o mga mata! Kung ako sa’yo mata na lang!
Kukurutin ni PHOEBE ang sarili. Sasampalin ang sarili at sasabunutan.
MR. MIDNIGHT: Anong ginagawa mo?
PHOEBE: Ginigising ko sarili ko! Hindi ako naniniwalang nangyayari ‘to! Nananaginip lang ako! Hindi ‘to totoo!
MR. MIDNIGHT: (Pipigilan si PHOEBE). Wag mo nang saktan ang sarili mo! Hindi ka nananaginip! Totoo lahat ‘to.
PHOEBE: (Naiiyak na. ) Hindi! Hindi! Pakawalan nyo ko! Pakawalan nyo ko!
Tatakbo-takbo si PHOEBE sa paligid. Pipigilan sya ni MR. MIDNIGHT.
MR. MIDNIGHT: Tumigil ka nga diyan! Tama si Leah, magpasalamat nga kayong mga tao dahil hanggang hindi pa kayo patay, binibigyan kayo ng pagkakataong magbago. Pasalamat ka at buhay ka pa. Kung mamatay ka nang hindi nagbabago, deretso ka na sa dagat-dagatang apoy ng pagdurusa. Ngayon binibigyan kita ng pagkakataong magsimula muli. Pero, kailangan mong mag-iwan ng isang parte ng katawan mo rito bilang kabayaran sa lahat ng ginawa mo. Pagkatapos, maaari ka nang bumalik sa mundo nyo ngunit may bagong buhay. Hindi na nga kumpleto ang katawan mo, pero, sigurado namang sa paraiso ng kaligayahan ang punta mo pag namatay ka.
PHOEBE: Hindi. Hindi ko kaya. Wala na ba ‘kong choice?
MR. MIDNIGHT: Sa totoo lang, meron pa.
PHOEBE: Ano?
MR. MIDNIGHT: Kung ayaw mo talagang maputulan ng kahit anong bahagi ng iyong katawan, mamumuhay ka na lang dito.
PHOEBE: Magiging angel na rin ako tulad nila? (Ituturo ang angels.)
MR. MIDNIGHT: Hindi. Magtatrabaho ka rito. Kasama ka sa paggawa ng bagong mundo na katulad ng mundong ito.
PHOEBE: Parang construction worker?
MR. MIDNIGHT: Oo. At naaalala mo ba yung babaeng dumaan dito kanina?
PHOEBE: Sino? Yung parang naaagnas na yung katawan at inuuod na?
MR. MIDNIGHT: Oo. Katulad niya, kumpleto pa rin ang katawan mo pero habang-buhay ka naman dito maghihrap. Buhay ka pa inuuod ka na.
PHOEBE: Eww! Kadire!
MR. MIDNIGHT: Ganun ang magiging buhay mo rito. Tapos pag sobrang dami nyo na rito, itatapon na kayo sa dagat-dagatang apoy ng pagdurusa. Gusto mo ba yun?
PHOEBE: No! I don’t want that.
MR. MIDNIGHT: E di iiwan mo na yang mga mata mo rito?
PHOEBE: Question lang, kahit ano sa limang bahagi ang piliin ko, sure ba na mabubuhay ako?
MR. MIDNIGHT: Oo naman. Pano ka makakapag-simula ng bagong buhay kung mamamatay ka? (Sa sarili.) Dapat yata rito tanggalan ng utak. Hindi naman nya ginagamit e.
PHOEBE: Anong hindi ginagamit ang utak? Like my mind is gonna burst na nga in confusion e!
MR. MIDNIGHT: Ang una mong pag-isipan, gusto mo bang manatili rito o hindi?
PHOEBE: If I stay here, kadire ang mangyayari sa ‘kin. I’d rather die than see myself like that. Imagine? Worms all over my body? Sa Fear Factor nga e cultured worms ang ginagamit sa mga dares pero kadire pa rin. E yun pa kayang mga worms na gumagapang sa mga nabubulok na bodies. That’s so eww! Tapos I’m gonna work pa like a construction worker? E yung timba nga ng tubig nung magpunta kami sa relative namin sa province, pinabuhat ko pa sa yaya ko para mabuhusan yung poopoo ko e. Tapos, papatapon pa sa dagat-dagatang apoy ng pagdurusa. Ah! It’s so hot there! Init nga ng Pilipinas hindi ko na carry yun pa kaya?
MR. MIDNIGHT: E di ang gusto mo, umalis dito?
PHOEBE: Pero pag umalis ako dito, kailangan kong mag-iwan ng isang parte ng katawan.
MR. MIDNIGHT: Tama! Nag-iisip ka naman pala e.
PHOEBE: You’re so mean! Nahihirapan na nga ang tao e. Pag bumalik ako sa mundo namin na kulang-kulang ang katawan ko, mahihirapan ako. Sa napapanood ko sa T.V., kinakaawaan ang mga may kapansanan. Pero, iilan lang naman ang gustong alagaan sila. Ako kaya, aalagaan kaya ‘ko ng parents ko pag nagkataon?
MR. MIDNIGHT: Sa palagay ko, oo. Kasi hindi naman sila masama tulad ng iniisip mo. Ayaw mo nun, aalagaan ka na nila lagi. Makukuha mo na ang atensyon nila. Di ba yun naman ang gusto mo mangyari?
PHOEBE: Sa bahay, pag wala na ‘kong paa, sasakay na lang ako ng wheel chair. Pag wala na ‘kong kiki, okey lang kasi wala naman akong ka-sex sa bahay e. Pag wala na ‘kong mga kamay, susubuan na lang ako ng pagkain. Bibihisan na lang ako ng yaya ko. Pag wala na ‘kong bibig, forever na akong naka-dextrose. Pag wala na ‘kong mga mata, aaalalayan na lang ako sa paglalakad o sa lahat ng kailangan ko gawin.
MR. MIDNIGHT: E yung mga kaibigan mo?
PHOEBE: That’s the worst thing! I know them. Pintasero’t pintasera kami. For sure when they see me na kulang-kulang. Tutksuhin nila ‘ko. They will make fun of me. Ikakahiya nila ‘ko. Sasabihin nila, “Who are you? Do we know you? Like kasi in our barkada we’re so, umm, gorgeous and sexy e. Not like you, you’re so eww, kadire!” Pag wala na ‘kong mga paa, hindi na ko makakasayaw sa parties. Pag wala na ‘kong kiki, the captain ball of our basketball team would ignore me na kasi I can’t make him happy na, and the guys I slept with will not sleep with me anymore so I will not get everything I want na. Pag wala na ‘kong mga kamay, hindi na kikita sa ‘kin ang mga parlors na pinapamanicuran ko almost everyday at hindi na rin ako makaka-receive ng singsing with diamonds kasi wala na syang pagsusuotan. Pag wala na ‘kong bibig, I can’t kiss my boylets na and I will lose my asset. Pag wala na ‘kong eyes, di ko na makikita yung cute boys sa parties and wala na kong tantalizing eyes. (Beautiful eyes sa audience.) Oh no! This will be a brand new life for me pag nagkataon!
MR. MIDNIGHT: Kung hindi mo talaga kayang ipaputol ang isang bahagi ng iyong katawan, manatili ka na lang dito. Pero tulad nga ng sinabi ko kanina, habang-buhay na pagdurusa. Ano man ang maging desisyon mo, wala nang atrasan. Hindi ka na puwedeng magbago ng isip. Pag tinanong kita ng “Iyan na ba talaga ang huling desisyon mo?” at sumagot ka ng “Oo,” di ka na puwedeng magpalit ng desisyon. Kaya pag-isipan mong mabuti.
PHOEBE: (Lalayo kay MR. MIDNIGHT at mag-iisip. Maglalakad papunta sa kaliwa, maglalakad papunta sa kanan. Parang nakapagdesisyon na, pero hindi pa pala. Mag-iisip uli. Titingin sa taas. Titingin sa baba. Titingin sa kaliwa. Titingin sa kanan. Titingin sa audience.) Kahit anong desisyon ang gawin ko, di ko na mababalikan ang dati kong buhay. This is the new life. Kaya ko ba ‘to? Phoebe, ano ba? Think, think, think. (Muling aarteng nag-iisip. Parang nakapagdesisiyon na at babalik kay MR. MIDNIGHT.)
MR. MIDNIGHT: Ay salamat! Mukhang nakapag-desisyon ka na. Ano na ang desisyon mo?
PHOEBE: Actually wala pa!
MR. MIDNIGHT: What? Leah, tulungan mo nga itong bestfriend mo!
Papasok si LEAH at lalapit kay PHOEBE.
PHOEBE: Best friend, sobrang sama ko na ba talaga?
LEAH: Pareho lang tayo.
PHOEBE: Di ba may good side din naman tayo?
LEAH: Oo naman. We help each other, legal man o hindi.
PHOEBE: Di ba one time nag-donate pa tayo sa victims ng Mt. Pinatubo?
LEAH: Oo nga.
PHOEBE: E bakit tayo parurusahan?
LEAH: We came to a point na sobra na. Kung tutuusin di na rin ako nag-eenjoy kasi puro ganun na lang yung nangyayari. Napapasama pa tayo. Sabi nga all things have its consequence. Eto na, dumating na nga yung consequences ng mga ginawa natin. Don’t stay here Phoebe. Bumalik na tayo sa mundo natin kahit kulang ang isang part ng katawan. Basta mabuhay lang uli. Ayoko rito. Alam kong ayaw mo rin dito.
Papasok na rin si KARYLLE at papalibutan nilang tatlo (kasama si MR. MIDNIGHT) si PHOEBE.
KARYLLE: Phoebe ano ka ba? Sabi ko naman sa ’yo paa na lang para hindi ka na makaalis ng bahay nyo at makagawa ng masama!
LEAH: Sa ’kin ka makinig! Kamay na lang para wala ka nang taong masasaktan!
KARYLLE: Hindi! Kiki na lang para hindi ka na makipag-sex kung kani-kanino!
LEAH: Ay naku bibig na lang para matigil na ang mga bisyo mo! Ang pag-inom, pag-yosi at pagda-drugs!
MR. MIDNIGHT: Mata na lang para hindi ka na matutuksong gumawa ng masama kasi wala ka nang makikita!
Sabay-sabay nilang sisigawan at papaliwanagan si PHOEBE kaya halos mabingi na sya sa naririnig.
PHOEBE: (Sisigaw.) Tumigil na kayo! Katawan ko ‘to! Buhay ko ‘to! At kagagawan kong lahat ng ito kaya kung sino man ang nakakaalam kung anong dapat kong gawin, ako lang! Kaya puwede ba wag na kayong makialam?!
Titigil at manahimik ang tatlo sa pagsigaw ni PHOEBE. Mauupong muli si MR. MIDNIGHT. Ang mga anghel naman ay tatayo sa magkabilang gilid nya.
PHOEBE: Kahit anong desisyon ang gawin ko, di ko na mababalikan ang dati kong buhay. Oo na it’s all my fault. There’s no one to blame but me. Oo na, nagsisisi na ko. Kailangan kong pagdusahan lahat ng masasamang ginawa ko. Pero mas gugustuhin ko nang mabuhay ng kulang ang parte ng katawan ko, makabalik lang ako sa dati kong mundo na may pagkakataon pang mabuhay, to start a new life. Kaysa to stay here, na humihinga pa, pero para namang pinapatay sa hirap. Tapos, ipapatapon pa ko sa dagat-dagatang apoy ng pagdurusa. No, I don’t like that! No way!
Lalapitan ni PHOEBE si KARYLLE.
PHOEBE: Karylle sa tingin mo ba pag wala na ‘kong paa may magkakagusto pa sa ‘kin?
KARYLLE: Oo naman! Si Mang Ramon! Yung driver ng mommy mo!
PHOEBE: Pag wala na ‘kong kiki, magugustuhan pa ko ng first love ko?
KARYLLE: Sa tingin ko hindi na kasi dahil sa ginawa mo, naging malibog na rin yun kaya sex na ang hanap nun.
PHOEBE: E pag kamay ko yung pinaputol ko, may magbibigay pa kaya sa ‘kin ng expensive jewelries?
KARYLLE: Siyempre! Yun nga lang toe ring with diamond on it na lang, mas mura.
PHOEBE: Pag bibig kaya? Puwede pa nila kong i-kiss?
KARYLLE: Oo naman! Sa noo! Kasi lola na ang tingin nila sa ’yo.
PHOEBE: Pag mata naman, ano kaya future ko?
KARYLLE: I think magiging singer ka kasi maganda naman boses mo.
PHOEBE: Talaga? Saan kaya?
KARYLLE: Sa kalye! Yung namamalimos!
PHOEBE: Thanks for your help ha!
Lalapitan ni PHOEBE si LEAH.
PHOEBE: Best, kahit ba putol na ang isang part ng katawan ko, best friends pa rin tayo?
LEAH: Oo naman.
PHOEBE: Pag kiki ko ba ang pintanggal ko, di mo na ba ko tatanggapin as a girl?
LEAH: Of course not.
PHOEBE: Pag paa ang pinaputol ko, itutulak mo ba wheel chair ko?
LEAH: Hindi.
PHOEBE: Pag kamay ko ba ang pinaputol ko susubuan mo ko ng mga favorite food ko?
LEAH: Hindi.
PHOEBE: Pag mata ko ba ang pinatanggal ko, aalalayan mo ba ko mag-cross sa streets?
LEAH: Hindi.
PHOEBE: What? Bakit naman hindi ang sagot mo sa lahat ng questions ko?
LEAH: Haller? E di ba nga wala na kong mga kamay? Pano ko gagawin yung mga pinapagawa mo sa ‘kin?
PHOEBE: Oo nga pala!
LEAH: Pero best friends pa rin tayo!
PHOEBE: Yehey!
Mag-iisip muli nang mabuti si PHOEBE at lalapit kay MR. MIDNIGHT.
MR. MIDNIGHT: Ngayon, tatanungin na kita at nababatid mo namang di ka na maaaring magbago pa ng isip. Phoebe, iyan na ba talaga ang huling desisyon mo?
PHOEBE: (Sandaling mananahimik.) Oo.
MR. MIDNIGHT: Kung ganon, anong parte ng katawan mo ang iyong iiwan sa mundo ng Putol?
PHOEBE: Tapos na ang mga gabing makikita ko ang sarili sa mga parties. Tapos na ang mga bisyo kong bad for my health. Tapos na ang pananakit ko sa kapwa ko. Tapos na ang paggamit ng katawan ko to get what I want. Tapos na ang dati kong buhay. Magbabago na ‘ko. Kaya iiwanan ko na!
MR. MIDNIGHT: (Tatayo at lalapit kay PHOEBE dala ang isang bolo.) Phoebe, ano ang iyong iiwan?
Maghaharapan ang dalawa. Tititigan ni PHOEB si MR. MIDNIGHT nang matagal. Itataas ni MR. MIDNIGHT ang bolo, akmang mamumutol na. Biglang mamamatay ang ilaw.
-Wakas-