Akdang Passionista

Sa walang hanggang katanungan, walang hanggan ang malalaman. Sa bawat tanong, mamimili ka, kung may bibitawan o may panghahawakan. Sa huli, sarili pa rin ang mamamayani.

Wednesday, May 18, 2005

Atlas

Ikaw na ang tumugtog nang nakatulala
Astig ka pare, nakayanan mo yun?
Ako, di ko kaya yun e
Pasan mo na naman ang mundo
Pero dalawa lang naman kayo sa mundo mo
Sa bagay, mas mabigat ang mundong iisang tao lamang ang hinihingahan mo
Sana lumabas ka na sa mundo mo
Kasi naaapektuhan ang labas ng mundo mo
Hindi ako makasarili. Para sa 'yo rin
Baka sumabog ka sa loob ng nilikha mong mundo
Ikaw ang lumikha ng mundong yan
Kaya mo 'tong sirain pero mahirap
Kaya mong lumabas diyan pero masakit
May ilang bagay na dapat isakripisyo
Kapalit ng mas tama, hindi, ng totoo
Hindi lahat ng tama ay katotohanan
Siguro hindi mo alam na lumikha ka na ng mundo na para sa inyong dalawa
Siguro biktima ka, biktima ng sarili mong pain
Siguro. Basta ang alam ko, nalalapit na ang pagsabog ng pinakamalaking bituin sa mundo mo
Pag di ka lumabas, masusunog ka, kasama siya
Gusto mo? Liban na lang kung Romeo and Juliet ang trip mo
Huwag naman. Baka kung kailan gusto mo nang lumabas, isa ka na lang hangin na lulutang-lutang
Nakatanaw na lamang at di mahawakan
Nakamasid na lamang at labis ang pagsisisi
Hindi pa huli. Takbo na.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home