Akdang Passionista

Sa walang hanggang katanungan, walang hanggan ang malalaman. Sa bawat tanong, mamimili ka, kung may bibitawan o may panghahawakan. Sa huli, sarili pa rin ang mamamayani.

Monday, October 25, 2004

Perstaym

Iba talaga pag perstaym. Dahil perstaym akong magpo-post, ganito na muna tayo ha?

Parang hindi ako nagsem-break. Walang pahinga. Pinili ko 'to. Pangangatawanan ko.

Ulila na ko sa Pinas. Daig ko pa ang nangibang-bayan dahil dito'y ako na lamang ang natira. Lahat sila lumipad na sa Qatar. Hanggang ngayon di pa nila ko tinetext.

Nawalan ako ng dalawang kaibigan. Yung isa kasi may sabit, ayokong sumabit. Yung isa walang pakialam, ayoko na ring makialam.

Ganito na lang muna tayo.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home