Akdang Passionista

Sa walang hanggang katanungan, walang hanggan ang malalaman. Sa bawat tanong, mamimili ka, kung may bibitawan o may panghahawakan. Sa huli, sarili pa rin ang mamamayani.

Wednesday, May 18, 2005

Walang Kamatayang Katanungan

X: Totoo bang tatlong buwan ka na lang mabubuhay?
Y: Maniniwala ka ba sa sinasabi ng isang taong hindi naman perpekto?
X: Kumuha ka na ba ng pangalawang opinyon?
Y: Kailangan pa bang gawin yun?
X: Paano kung nagkamali sila?
Y: May magagawa ba ‘ko?
X: Hindi ba mas makakatulong kung hahanap ka pa ng ibang doktor?
Y: May magagawa ba sila?
X: Gusto mo na ba talagang mamatay?
Y: Gusto mo pa ba ‘kong mabuhay?
X: Anong ibig mong sabihin?
Y: Sabihin man nilang tatlong buwan na lang ako o higit pa, may magbabago ba?
X: Anong sinasabi mo?
Y: Alam mo ba na noong una pa lang na iniwan mo ko para sa kanya, pinatay mo na ko?
X: Di ba okey na tayo?
Y: Kailan pa?
X: Hindi ba napag-usapan na natin ‘to?
Y: Maniniwala ka ba sa isang taong ligaya mo lang ang hinangad?
X: Hindi pa ba nawawala ang pagmamahal mo?
Y: Kailangan ko bang sagutin yan?
X: Mahal mo pa ba ‘ko?
Y: Hanggang kailan mo ‘ko tatanungin?
X: Hanggang kailan ka magmamahal?
Y: Kailan na bang tapusin?
X: Bakit mo pinapahirapan ang sarili mo?
Y: Hindi ba ikaw ang nagpapahirap sa ‘kin?
X: Paano ko mapapagaan ang nararamdaman mo?
Y: Kaya mo bang lagutan ng hininga ang isang taong bawat isang minuto ikaw ang hinihinga?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home