Akdang Passionista

Sa walang hanggang katanungan, walang hanggan ang malalaman. Sa bawat tanong, mamimili ka, kung may bibitawan o may panghahawakan. Sa huli, sarili pa rin ang mamamayani.

Monday, April 17, 2006

Init

ngayon napangyayari ang dati'y mga salita lamang
ninanamnam sa isipan at di inaakalang magiging katotohanan
ang hawak, ang yakap, ang halik
ang pagsabing "mahal kita" na ngayo'y damang-dama
sa hawak, sa yakap, sa halik
sa pagsabing "mahal kita" na ngayo'y ibang-iba
bawat dampi ng labi sa kamay, sa leeg, sa pisngi, sa noo
punung-puno ng pagmamahal
bawat pagdikit ng labi sa labi, naguumapaw ang nararamdaman
gusto nang sumigaw at magsama magpakailanman
malagutan man ng hininga, ayaw nang magpapigil
ah kakayanin bang mawala ka?
mawawala ko pag nagkaganun
buhay mo, buhay ko, buhay ko, buhay mo
lagi kang hinahanap-hanap
pawiin mo ang pagkauhaw at pananabik
may init sa piling mo
init na kailangan ko
gusto kitang maramdaman bawat oras
ngayon hanggang wakas
ngayon hanggang wakas
hanggang wakas, kung may wakas
mahal kita, mahal kita
mahal kita, naguumapaw
mahal kita, sobra-sobra
mahal kita

0 Comments:

Post a Comment

<< Home