Akdang Passionista

Sa walang hanggang katanungan, walang hanggan ang malalaman. Sa bawat tanong, mamimili ka, kung may bibitawan o may panghahawakan. Sa huli, sarili pa rin ang mamamayani.

Sunday, August 28, 2005

Shock Absorber

Wag mong tahakin ang landas mo mag-isa
Gusto kong sumama
Mahirap o malubak man yan
Gusto ko pa ring sumama
Kung isang tao lang ang maaaring dumaan
Handa kitang ipasan
Iiiyak ko ang mga luhang ayaw tumulo sa mga mata mo
Dadamhin ko ang sakit na pilit mong sinasarili
Ako na lang ang umiyak
Ako na lang ang masaktan
Wag lang ikaw
Ikaw na lakas ko
Ikaw na ilaw ko
Sapat na ang sakit na binabata mo
Ako na lang ang magpapasan ng iba
Hindi ko kayang makita kang ganyan
Lalo akong nasusugatan
Ngayon ko lang 'to naramdaman
At alam ko, hindi ako dinadaya ng nararamdaman ko
Ikaw ang dapat mahalin
Mahalin nang totohanan
Hindi dahil may kapalit na kailangan
Kundi dahil gusto ko lang magmahal
Hindi ito pagmamahal para sa kasintahan
Dahil yun may kapalit
Sa 'yo sapat na nandyan ka at minamahal kita
Lubus-lubos na ang pakiramdam pag masaya ka
Labis-labis din ang kirot pag malungkot ka
Ngiti naman diyan
Hindi ako magsasawang mahalin ka
Dahil karapat-dapat kang mahalin
Bahala sila kung di nila 'ko maintindihan
Basta ikaw alam mo na yun
Hayaan mong maging bahagi ako ng pagkatao mo
Andito lang ako.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home