Akdang Passionista

Sa walang hanggang katanungan, walang hanggan ang malalaman. Sa bawat tanong, mamimili ka, kung may bibitawan o may panghahawakan. Sa huli, sarili pa rin ang mamamayani.

Thursday, January 05, 2006

Mahal Ko

paglisan...
walang maisip na magandang salita para sa paglisan
pagkawala, pagkawala ng isang mahal
alam ko buhay ka pa
pero ang hirap pag di ko na nadarama ang init ng iyong kamay,
ng iyong yakap, ng iyong halik...
paumanhin kung pahirap ako sa sitwasyon ng paghihiwalay
hindi ko kaya magpanggap na malakas ako
ngayon lang ako sobrang nasasaktan sa pag-alis ng isang tao
hindi ka basta-basta sa buhay ko kaya ganito
kaibigan, kapatid, mahal... ikaw yan lahat
alam ko naman makakaya natin
alam ko naman mabubuhay pa tayo
pero mahal, ngayon, ipagpatawad mo
pagbigyan mo sana ang pag-iyak at pagkalungkot ko
at minsan, ang pagtulak sa 'yo na mag-usap at magkita tayo
nagmamakaawa pa rin ako sa itaas
wag Niya tayong paghiwalayin
nagmamakaawa pa rin ako sa Kanya
kung ilalayo ka na Niya sa 'kin
Ipaubaya ka Niya sa 'kin sa mga natitira mong araw
Pagbigyan tayo ng panahon at ng mga tao sa paligid natin
Na makapiling ang isa't isa
Dahil hindi magtatagal, hindi na nila tayo makikitang magkasama
Nahihirapan ako, hirap na hirap, pinipigilang umiyak, pinipilit ngumiti
Gusto kitang makasama..habangbuhay nga sana...
Pero hindi pa rin ako magsasawang maniwala
Na magkikita pa tayo
NA magkakasama muli tayo
Na lilipad tayo
Hindi sila makikialam
Balang araw
Maghihintay ako
Sana maghintay ka rin
Wag tayong bibigay sa kalungkutan
Ikaw na rin ang nagsabi kung anong maaaring epekto nito sa 'yo
Manatili tayo sa isa 't isa
Nagmamakaawa ako sa 'yo
Wag kang makakalimot
Wag kang magbabago
Tulungan natin ang relasyon natin
Kakayanin natin, mahal
Dahil nagmamahal tayo
Mahal natin ang isa't isa
Hindi tayo bibitaw, di ba?
Mahal na mahal kita
Kahit anong sabihin nila
Kahit magkalayo pa.

1 Comments:

  • At 12:41 PM, Anonymous Anonymous said…

    Your speaking your heart out and I can emphatize with you. I've been through a lot of pain because of a relationship, d ba. Separation brings pain but we have to move on. Just hold on. God know's your pain and He will carry you through.

     

Post a Comment

<< Home